clarice's posts with tag: malikhaing pagsulat

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag malikhaing pagsulat
Blog EntryTagpuan:Isang TulaMar 6, '08 7:59 AM
for everyone

             

                       Walang katapusang taguan

Hindi matapos na habulan

Pagal na ang aking katawan

Bumibigay na ang aking isipan

Ikaw ba ay walang kapaguran

Dahil ako unti unti ng sumusuko

Paulit-ulit sa aking panaginip

Ika'y tumatakbo at umuukit

Sa mga panahong di mawari

Kirot ay dahan dahang pumupuslit

Sabi nga nila, anong petsa na

Bakit sa buhay ko’y wala ka pa

Kailan mo nga ba balak magpakita?

Maliit lang naman ang ating mundo

Ngunit saan ikaw tumutungo?

Ni anino mo’y di mahagilap

Minsan hindi ko alam kung guniguni ko lang

Ngunit parang ikaw ay nasa tabi ko lang

Nakikiramdam at nagmamasid

Hinihinga ang parehong hanging

Bumubuhay sa akin
Puwede bang bilisan mo?

Sa sobrang bilis ng oras

Mabagal man ang mundo

Pakiramdam ko napagiiwanan na tayo

Gusto kong tumakbo

Upang sa iyo ay mapalapit

Ngunit paano ko gagawin iyon

Kung anino mo lang ang bitbit sa dibdib

Mga matang sinusundan ako

Maging sa aking mahimbing na pagidlip

Nakakatakot maglakad at umusad palayo

Dahil maaring maling daan ang aking matahak

Ligaw na landas ang di man gustuhin bubungad sa akin

Ibang daan na hindi piling mo ang kasasadlakan

Pareho kaya tayo ng nadarama?

Ako ay naguguluhan

Pero inaasam ko ay isang matunog na sana

Sana nga pareho tayo ng nadarama

Sa isang mundo ng kawalan

Atin sanang matagpuan ang isat isa

Kalwakan ay ating sabay na tatanawin

At doon mga munting pangarap ay ating bubuuin

Sa langit man lang ay magtagpo ang ating landas

Wala mang hanggan

Ang mahalaga tayong dalawa lamang ang may alam

Sa panahong tayong dalawa lang ang mayalam

Mata lang natin ang nangungusap

Kung saan walang salita man ang mamagitan

Landas na natin ang kusang nagtatapo

Bitbit ang aking pagasa para sa ating dalawa

Sa ating nakatakdang tagpuan

Ako sa iyo ay habang buhay na maghihintay.


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help